Tuesday, December 31, 2019

BAKIT NANGHUHUSGA ANG IBANG TAO SA KAPWA TAO?

   
     Sa panahon ngayon, marami na talagang mga taong nanghuhusga dahil lang kung ano ang nakikita nila o ano ang kanilang naririnig sa usapan sa ibang tao. Nanghuhusga sila ng diretso kahit hindi pa nila alam kung ano ang katotohanan. Maraming mga tao ang hindi makontento sa kung anong meron sila dahil na rin sa mga mapanghusgang mata na nakatingin sa kanila. Mga mata na walang ibang ginawa kundi manghusga at mamintas.

   Para sa akin, May kanyang-kanya tayong mga kakayahan o abilidad. May ibang bagay na magagawa mo na hindi magagawa ng ibang tao at may mga ibang bagay na magagawa ng ibang tao na hindi mo magagawa, kaya patas lang ang lahat ng bagay-bagay. Tayong lahat ay may kahinaan sa ating mga sarili, pero bago tayo manghuhusga sa ibang tao dapat alam rin natin kung ano ang katung kahinaan. Minsan masyado na tayong nagiging abala sa mga maling ginagawa ng isang tao hindi rin natin namalayan sa ating sarili na ginagawa rin natin yun. Huwag natin pilitin ang isang tao na magbago, dapat sa sarili natin tayo ang unang magbago. Dapat marunong tayong makiramdam sa damdamin ng ibang tao, dapat muna natin isipin ng mabuti kung ang ang gagawin natin hindi lang padalos-dalos tayo gagawa ng isang bagay na makakasira o makakasama sa isang tao. Nanghuhusga ang ibang tao dahil sa inggit, naiinggit sila sa ibang tao dahil sa kanilang narating o sa mga bagay na nakukuha nila. Sila ay gagawa ng paraan o ng isang bagay na hihila sa iyo pababa dahil ikaw ay naaangat na ng mabuti.

Walang sinuman sa atin ang may karapatang manghusga. Kahit ikaw pa ang pinakamayaman, pinakamatalino, pinakamagaling at iba pa. Wala ka paring karapatan minaliitin o husgahan ang iyong kapwa tao. Tayong lahat ay binigyan ng mga natatanging talento, kaya mag tiwala tayo sa ating sarili na makakaya o makakamit natin ang mga bagay na gusto natin marating. Kaya iwasan natin ang paghuhusga sa kapwa dahil ito ay nakakasakit o nakakasira ng buhay sa ibang tao.


No comments:

Post a Comment